30,000 words daw in 3 days
Thread poster: unica
unica  Identity Verified
Philippines
Local time: 23:02
Italian to Tagalog
+ ...
Jul 29, 2009

Hello, natutuwa lang akong mag-post sa ating bagong section dito sa Forum. Anyway, may nag-email sa akin (in all caps pa), 30,000 words daw in 3 days. Nareceive niyo rin siguro.

Sa palagay ko napaka-imposible kung ang gagawa ay isang translator lang. Kung pipilitin man, hindi mabibigyan ng sapat na atensyon at baka bara-bara lang ang pag-translate.

Kaya niyo yun?

Of course hindi ko tinanggap ang trabaho. Hindi pa ako Superwoman.

Unica


Direct link Reply with quote
 

Parrot  Identity Verified
Spain
Local time: 16:02
Member (2002)
Spanish to English
+ ...
Hindi mo kailaingan maging superwoman Jul 30, 2009

Sa UN 2000 words lang isang araw ang ginagawa. Sa EU, 2500. Mga propesyonal yon.

Noong nagtatrabaho pa ako sa PCB (ngayong PCVB) ang pagsubok sa amin ay 500/oras. Ibig sabihin, 6 na oras lang kaming nagsasalin. Yung nalalabing 2 oras ginagamit sa break, pagsusuri, atbp. Ang kinalalabasan ay mga 3000/araw na nasuri na. Ang pangalawang tagasuri ay naglalabas ng 1200-1600/oras. Ito ang pamantayang ginagamit bawat tao. Batay sa tinatawag na time-and-motion studies; sabihin mo lang sa kanila na sigurong hindi nila sinulat lahat iyon sa 3 araw.

Sa wakas ang yunit ng pagsukat ay ang oras at ang bilang ng keystroke na mapapasok mo doon. Sa isang pakyawan maaari kang maka-6000 sa isang araw (nang walang CAT) subalit hindi mo magagawa itong sunod-sunod.

Ingat lang at huwag kang magkasakit,

Ceci


Direct link Reply with quote
 
unica  Identity Verified
Philippines
Local time: 23:02
Italian to Tagalog
+ ...
TOPIC STARTER
Salamat Jul 31, 2009

Napakahalaga ng iyong isinulat mula sa isang propesyonal na pananaw. Tiyak kong magiging gabay ito para sa mga ibang tagasalin para mayroon silang pagbatayan ng takdang dami ng salita na maaaring isalin sa loob ng isang araw.

Para sa akin, nagtatakda lang ako ng 2,000 hanggang 2,500 salita/araw. Ito lang aking limitasyon para mabigyan ko ng tamang atensyon ang aking isinasalin.

Salamat Ceci.


Direct link Reply with quote
 

Parrot  Identity Verified
Spain
Local time: 16:02
Member (2002)
Spanish to English
+ ...
Maaari ka ring mag-surcharge Jul 31, 2009

Ipalagay nating 2500 ang iyong pinananagutan (sa ngalan ng QA, quality assurance), at hiningan ka ng 3000 o iba pang makakayang bilang; yung karagdagang pasan na maaabot o magagawa ay maituturing mong overtime.

Ipagpalagay natin na sa 5 araw nakatapos ka ng 18,000, kung saan 12500 lamang ang karaniwan, yung butal na 5500 ay maaari mong singilin sa umiiral na overtime rate, na ayon sa batas ng maramihang bayan ay katumbas ng 150% ng pangkaraniwan.

Madalas, kapag di-makatuwiran ang hiling, ang kinalalabasan nito ay bibigyan ka ng karagdagang panahon. Dahil kung itiwala nila ang gawain sa iba na puro pangako lamang, masyado ang suspense kung matatapos o hindi sa deadline

Buti pang nakakasiguro sila sa iyo.

At kung parusa man, hindi ka magsisisi sa 150%


Direct link Reply with quote
 
unica  Identity Verified
Philippines
Local time: 23:02
Italian to Tagalog
+ ...
TOPIC STARTER
Salamat =) Aug 8, 2009

Ceci, napakalaking tulong ng mga suhestiyon mo sa pagpapataw ng singil sa pagsasalin lalung-lalo na sa usaping overtime. Sigurado akong marami ang makikinabang dito.

Umaasa akong mapag-uusapan natin ito sa ating pinaplanong pagkikita dito sa Pilipinas.

Maraming salamat!


Direct link Reply with quote
 
Marcus Malabad  Identity Verified
Canada
Local time: 16:02
Member (2002)
German to English
+ ...
Umoo ka Sep 3, 2009

Kung hindi ito manloloko, singilin mo sila ng US$0.16 sa bawat salita plus yung surchage ni Babaeng Loro (=Ceci - o, may bago ka nang nickname, Ceci!).

Pero mukhang manloloko nga kasi sinong propesyonal naman ang magsusulat nang all caps sa isang email?

Ang rekord ko sa isang araw, mga 7-8 libong salita pero gamit ko yung paborito kong CAT tool na Deja vu.

Noong mga nakaraang araw madalas akong tumatanggi sa mga trabaho. Karanasan ko lang kung aayaw ka sa kanilang parati-rating paghingi ng discount ("please will you go down to 8c, 7c even 6c per word), babalik din sila kung alam nila na wala silang maloloko kung hindi yung mga bagong translator lang. Mas tataas ang halaga at reputasyon mo kung may specialty fields ka na kakaunti lang ang nakaaalam (sa akin: nuclear, robotics, physics, atbp.).

Wow, unang beses ko ditong magsulat sa Tagalog sa isang website! (and I probably mangled the darn language in the process)

[Edited at 2009-09-03 06:36 GMT]


Direct link Reply with quote
 
unica  Identity Verified
Philippines
Local time: 23:02
Italian to Tagalog
+ ...
TOPIC STARTER
Hindi ko na sinagot Oct 21, 2009

..at hindi ko rin alam kung sino na ang tumanggap ng trabahong iyon. Basta naman may tumatanggap patuloy sila sa pag-alok. Nasa atin ding mga taga-salin ang kontrol nito.

Gayundin, hindi na ako sumasali sa mga bidding dito sa proz kasi batay sa aking karanasan, nagpapababaan na lang ang mga taga-salin ng singil sa bawat salita. Nagpapasalamat na lang ako sa mga regular kong kliyente na patuloy na tumatangkilik sa aking trabaho.

Sa palagay ko, ok ang iyong Tagalog Ako man ay hirap, dahil Filipino ang gamit ko sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.


Direct link Reply with quote
 


There is no moderator assigned specifically to this forum.
To report site rules violations or get help, please contact site staff »


30,000 words daw in 3 days

Advanced search







CafeTran Espresso
You've never met a CAT tool this clever!

Translate faster & easier, using a sophisticated CAT tool built by a translator / developer. Accept jobs from clients who use SDL Trados, MemoQ, Wordfast & major CAT tools. Download and start using CafeTran Espresso -- for free

More info »
PerfectIt consistency checker
Faster Checking, Greater Accuracy

PerfectIt helps deliver error-free documents. It improves consistency, ensures quality and helps to enforce style guides. It’s a powerful tool for pro users, and comes with the assurance of a 30-day money back guarantee.

More info »



Forums
  • All of ProZ.com
  • Term search
  • Jobs
  • Forums
  • Multiple search